^

Probinsiya

AUV salpok sa motor: Magtiyo dedo

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —   Kapwa namatay ang magtiyuhin na magkaangkas sa motorsiklo makaraang masalpok ng isang Mazda AUV habang bumabagtas sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Sabang, bayan ng Naic kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga nasawi na sina Rodel Calantog, 31, at pamangkin nito na si Axcel Obille, 13-anyos, high school student; kapwa residente ng B18 L18 Ph.1, Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Sa ulat ni PO3 John Paulo Mellona,  alas-7:20 ng gabi habang magkaangkas sina Calantog at pamangkin sa motorsiklo at patungo ng town proper ng Naic nang salpukin ito ng kasalubong na Mazda AUV (ZNC 849) na minamaneho ng negosyanteng si Arturo Rocabo Jr. , 48, ng Dove St. B18 L28 South Crest Village Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City.

Sa lakas ng banggaan,  tumilapon ang magtiyuhin na kapwa agad nawalan ng ulirat.  Mabilis silang naitakbo sa San Lorenzo Hospital subalit kapwa binawian ng buhay. Hawak na ng pulisya ang driver ng AUV at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with