^

Probinsiya

2 Chinese utas, P1.9-B shabu samsam

Cristina Go-Timbang, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese utas, P1.9-B shabu samsam
Matagumpay na nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, PNP, ISAFP at Task Force Noah ang nasa 274 kilong shabu sa isinagawang buy-bust operation na ikinabulagta ng dalawang Chinese trader (inset) sa Tanza, Cavite kahapon.
(Mga kuha ni Joven Cagande)

Sa Cavite buy-bust

MANILA, Philippines —  Dalawang negos-yanteng Chinese national ang bumulagta matapos ang ikinasang malakihang buy-bust operation ng pulisya na ikinasamsam ng daan-daang kilong shabu na nasa P1.9 bilyon ang halaga kahapon sa Tanza, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na suspek na sina Vincent Du Lim at Hong Li Wen, kapwa nasa hustong gulang at mga residente ng Brgy. Amaya 1, nasabing bayan.

Sa ulat mula kay Cavite Provincial Direc­tor William Segun,  bago ang operasyon,  matagal  na umanong sinusubaybayan ng Philippine Drug Enforcement Agency 4A ang dalawang Tsino matapos makatanggap ng tip hinggil sa kanilang umano’y malakihang drug trade.  

Alas-4:00 ng hapon ikinasa ang buy-bust at hindi pa man natatapos ang transaksyon ay nagkaroon na ng sagupaan sa pagitan  ng mga suspek at pulisya nang sila ay makatunog sanhi ng kanilang pagkakabulagta.

Nakuha sa lugar ang may 274 kilo ng shabu na nagkakaha­laga ng mahigit sa 1.9-bilyong piso.  

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with