^

Probinsiya

Tourist bus salpok sa trak: 5 utas

Joy Cantos, Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Tourist bus salpok sa trak: 5 utas
Dead-on-arrival sa Concepcion District Hospital sa Tarlac ang mga biktimang sina Ruel Castillo, Ricardo Aledia, Isidro Brabante at Laila Abita, mga tourist guide, pawang mga taga-Naic, Cavite, habang ang isa pa ay binawian naman ng buhay sa Medical City sa Clark, Pampanga sanhi ng malubhang sugat na tinamo sa katawan.

42 sugatan

MANILA, Philippines — Lima ang nasawi habang 42 ang sugatan matapos sumalpok ang isang tourist bus sa sinusundan nitong trailer truck sa kahabaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), sa Concepcion, Tarlac, nitong Huwebes  ng umaga.

Dead-on-arrival sa Concepcion District Hospital sa Tarlac ang mga biktimang sina Ruel Castillo, Ricardo Aledia, Isidro Brabante at Laila Abita, mga tourist guide, pawang mga taga-Naic, Cavite, habang ang isa pa ay binawian naman ng buhay sa Medical City sa Clark, Pampanga sanhi ng malubhang sugat na tinamo sa katawan.

Patuloy namang nila­lapatan ng lunas ang iba pang pasahero na nasugatan  na dinala sa iba’t-ibang pagamutan na malapit sa pinangyarihan ng aksidente.

Sinabi ni Supt. Redentor Ulsano, officer-in-charge ng Concepcion Police, dakong alas- 5:10 ng umaga nang mangyari ang aksidenteng banggaan ng Jumbo tourist bus (BEK 523) na minamaneho ni Michael Sangcajo, 37, ng Bacoor, Cavite at Foton truck (conduction sticker GB7764) na may trailer (MV 100525 na minamaneho naman ni Antonio Bulante ng Caloocan City sa kahabaan ng SCTEX sa Brgy. Santiago, Concepcion, ng lalawigan.

Sa ulat, galing umano sa Naic, Cavite ang nasabing bus sakay ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan na patu­ngong Baguio City para dumalo sa seminar.

Sa pahayag ng ilan sa mga nakaligtas, pagiwang-giwang umano ang takbo ng bus bago ito sumalpok sa sinusundang trak.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding pinsala ang bus na nawasak ang una­hang bahagi na ikinasa­wi ng limang na biktima at iki­­nasugat pa ng ibang pa­sahero.

Lumilitaw sa imbestigasyon na posibleng nakatulog ang driver ng bus dahilan upang sumalpok ito sa hulihang bahagi ng truck.

vuukle comment

TOURIST BUS ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with