^

Probinsiya

Magbabalut inutas ng customer

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang 32-anyos na magbabalut ang nasawi matapos pagbabarilin ng nakaalitang kustomer kahapon sa bayan ng Rosario, lalawigang ito.

Ang nasawi ay kinilalang si Ronaldo Ricalde. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:05 ng madaling-araw nang tawagin umano ng suspek si Ricalde at nagtanong hinggil sa ibinibentang balut sa may gas station sa Brgy.Tejeros Convention. Habang sinisipat ang mga panindang balut, kung anu-ano pa umanong masasamang salita at pamimintas ang sinabi ng suspek na ikinapikon ng biktima hanggang sa mauwi sa pagtatalo.

Dahil dito, bumunot ang suspek ng baril at dalawang beses na pinaputukan ang biktima na agad nitong ikinasawi.  Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakbo ang suspek patakas sa lugar na ngayo’y tinutugis ng mga pulis.

vuukle comment

SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with