^

Probinsiya

‘Killer’ ng 2 engineer timbog!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
�Killer� ng 2 engineer timbog!

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Arestado ang 53-anyos na umano’y hired killer na sinasabing isa sa responsable sa pagpatay sa dalawang engineer kabilang ang kawani ng National Irrigation Administration (NIA) nang makorner sa hot pursuit operation sa hangganan ng Brgy. Tunggol at Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao, iniulat ng pulisya kahapon. 

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ehsan Ali, residente ng nasabing lugar. 

Ayon kay P/Chief Insp. Erwin Tabora, hepe ng Datu Montawal Police, inamin mismo ng suspek na siya ang responsable sa pagpatay kay Engr. Joseph Adam, nakatalaga sa Mallitubog Maridagao Irrigation Project (Malmar) sa Pikit, North Cotabato field office at dating municipal engineer ng Datu Montawal, Maguindanao.

Gayunman, nang siya ay kapayanamin ng pahayagang ito,  todo tanggi ang suspek sa krimen.

Nabatid na nahuli ang suspek dakong alas-4:00 ng hapon nitong Biyernes sa ikinasang hot pursuit operation ng Datu Montawal Police sa pinagtataguan nito sa nasabing lugar. 

Magugunita na binaril ng riding-in-tandem si Adam nitong Enero 22, 2019 dakong alas-5:30 ng hapon habang sakay sa kanyang Honda Sedan mula sa trabaho at pauwi na sana sa Kabacan, North Cotabato. 

Malaking halaga umano ang ibinayad kay Ali para itumba ang inhinyero dahil sa umano’y pinag-aawayang posisyon. 

Bagaman at mayroong mastermind na nag-utos kay Ali na patayin si Adam,  itinanggi muna ni Tabora na isapubliko ito habang patuloy ang kanilang operasyon.

Maliban kay Adam, pinatay din umano ng suspek si Mustapha Abdullah Andoy na isa ring engineer noong nakalipas na taon. Pinaslang si Andoy dahil din umano sa pinag-aagawang posisyon.

Ngayong araw isasampa ng pulisya ang kasong murder laban sa suspek.

vuukle comment

HIRED KILLER

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with