^

Probinsiya

2 ‘tulak’ utas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� utas sa buy-bust

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines  —  Dala­wang hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa buy-bust ope­ration ng Drug Enforcement Unit ng Cabanatuan Police kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 3 sa Purok 2, Brgy. Sta. Arcadia, noong Linggo ng madaling-araw.

 Sa report ni P/Supt. Ponciano Zafra, hepe ng pulisya sa lungsod, nakilala ang mga nasawi na sina Francis Faustino alias Kiko, 39, binata, ng Brgy. Tagpos, Sta. Rosa, Nueva Ecija at isang lalaki na nakilala lang sa alyas “Toper”.

Sa imbestigasyon, bandang alas-3:20 ng madaling-araw nang isagawa ang buy-bust laban sa mga suspek. Nakatunog umano ang dalawa na pulis ang kanilang katransaksyon kaya nila pinaputukan. Hindi naman tinamaan ang mga pulis na gumanti ng putok na ikinabulagta ng mga suspek.

 Narekober sa lugar ang isang kalibre .45 pistola, isang kalibre .38 revolver, dalawang P500 bill, 15 plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang Kawasaki Bajaj tricycle, isang van na Hyundai Starex (RNF 855), 6 cartridge para sa caliber .9mm, at isang cartridge para sa cal .45.

vuukle comment

BUY-BUST OPE­RATION

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with