^

Probinsiya

Parak itinumba ng nakamotor

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Poblacion 4, Tanauan City, Batangas nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si PO3 John Melver Leyco, miyembro ng Sto. Tomas Municipal Police Station. Sa ulat ng Calabarzon Police, dakong alas- 5:20 ng hapon kasalukuyang lulan ang biktima ng kulay itim na Toyota Corolla (TTS-759) nang biglang sumulpot ang suspek na sakay ng motorsiklo at bigla na lamang siyang pinagbabaril.

Matapos ang pagpatay, tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Pagaspas ng lungsod. Nagawa pang maisugod sa CP Reyes Hospital ang biktima pero idineklara siyang dead-on-arrival sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

COP SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with