^

Probinsiya

Retiradong parak nag-amok, arestado

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Retiradong parak nag-amok, arestado
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Hilario Encabo, 50-anyos, dating kasapi ng Dasmariñas Police, at nakatira sa Blk. 1 Lot 43, Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite.

CAVITE  , Philippines  —  Isang retiradong pulis na umano’y la­sing ang inaresto matapos mangharang at mamaril ng kanyang kabarangay sa Purok 1, Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. 

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Hilario Encabo, 50-anyos, dating kasapi ng Dasmariñas Police, at nakatira sa Blk. 1 Lot 43, Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite.

Sa panayam kay P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya sa lungsod na nahirapan silang arestuhin ang suspek matapos umanong manlaban pa at nagwala dahil sa kanyang sobrang kalasingan. 

Ayon sa biktimang si Carlos Araza, 50-anyos, electrician, ng Blk. 22 Lot 8, Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City, dakong alas-2:45 ng hapon habang sakay siya ng Kawasaki Fury (4117 LW) patungong palengke nang bigla siyang harangin ng lasing na suspek na armado ng  cal. 45. at pilit siyang pinapababa sa motorsiklo. Gayunman, hindi umano niya pinatulan ang suspek pero bigla na lamang siyang binaril ng dalawang beses na masuwerte umanong hindi siya tinamaan. Dito na umano siya nagtatakbo at humingi ng tulong sa pulisya.  Nang magresponde ang mga pulis sa lugar, nadatnan nila ang suspek na armado pa ng baril at nang aarestuhin ay nagtangkang manlaban pero agad din siyang nadisarmahan. 

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with