^

Probinsiya

Kawani ng lending firm utas sa holdap, 1 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Kawani ng lending firm utas sa holdap, 1 sugatan
Kinilala ng Polomolok Police na pinamumunuan ni Police Supt. Marvin Duadua ang nasawing biktima na si Vlademer Paciente, 38-anyos, nakatira sa Brgy. Maltana, Tampakan, South Cotabato habang ang su­gatan ay si Carlo Laurio, 27, ng Brgy. Klinan, Polomolok.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang kawani ng isang lending firm habang sugatan ang isa pang kasama nito matapos silang holdapin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Purok Bagras, Brgy. Koronadal, Proper Polomolok, Polomolok, South Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ng Polomolok Police na pinamumunuan ni Police Supt. Marvin Duadua ang nasawing biktima na si Vlademer Paciente, 38-anyos, nakatira sa Brgy. Maltana, Tampakan, South Cotabato habang ang su­gatan ay si Carlo Laurio, 27, ng Brgy. Klinan, Polomolok.

Ang dalawa na pawang mga kawani ng Community Economic Ventures Inc. ay hinarang ng tatlong suspek habang lulan ng kanilang motorsiklo pagsapit sa Purok Bagras, Brgy. Coronadal, Proper Polomolok, alas-3:00 ng hapon. Isa sa mga suspek ang biglang lumapit at binaril ng dalawang beses ang driver na si Paciente na ideklarang dead-on-arrival sa ospital.

Masuwerte namang tinamaan lamang ng bala sa kanyang kaliwang siko ang angkas na si Luario at nakalabas na ng ospital.

Natangay ng mga suspek ang mahigit P40,000 na koleksyon ng mga biktima at kanilang kulay itim at pulang Honda XRM 125 motorcycle.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang bala at dalawang basyo ng 45 pistol. Hindi pa nila batid ang pagkakakilanlan ng mga tumakas na hold upper.

vuukle comment

CRIME SCENE POLOMOLOK SOUTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with