^

Probinsiya

Tserman inutas habang nagbabaraha

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Tserman inutas habang nagbabaraha
Kinilala ni P/Chief Inspector Steven dela Cruz, hepe ng Sta. Rosa Police ang biktimang si Rene Sebastian na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City.

STA. ROSA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang 61-anyos na chairman ng Barangay La Fuente ng bayang ito makaraang pagbabarilin ng ri­ding-in-tandem habang naglalaro ng baraha sa balkonahe ng isang bahay sa nasasakupan nitong barangay noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Inspector Steven dela Cruz, hepe ng Sta. Rosa Police ang biktimang si Rene Sebastian na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City.

Base sa report, isang bala mula sa kalibre. 45 baril ang tumama sa kaliwang balakang ng biktima na tumagos sa atay nito sanhi ng kanyang kamatayan.

Bandang 6:45 ng gabi, nakaupo umano ang biktima sa pasimano ng balkonahe ng bahay ng isang Marlon Adriano habang nakikipaglaro ng baraha nang biglang paputukan ng apat na beses ng isa sa suspek na halos nasa tatlong metro lang ang layo.

Agad na tumakas ang riding-in-tandem suspect lulan ng isang hindi naplakahang motorsiklo matapos ang pagpatay.

Si Sebastian ang kauna-unahang biktima ng pamamaril sa hanay ng mga pulitiko rito sa lalawigan simula nang mag-umpisa ang election period noong Ene­ro 13, 2019 kung saan ipinatupad din ang gun ban sa buong bansa kaugnay ng idaraos na midterm elections sa May 13, ngayong taon.

vuukle comment

KILLED BY RI­DING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with