^

Probinsiya

3 todas sa BIFF ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 todas sa BIFF ambush
Isa sa mga biktima ay dead-on-the-spot habang dalawa naman kabilang ang isang tinukoy sa pangalang Nasser Sanday ng Parang, Maguindanao ang idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang nasawi.

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi makaraang tamba­ngan at pagbabarilin ng pinaghihinalaang mga miyembro ng  Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) inspired terrorist group sa national highway ng Brgy. Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao nitong Biyernes ng gabi.

Isa sa mga biktima ay dead-on-the-spot habang dalawa naman kabilang ang isang tinukoy sa pangalang Nasser Sanday ng Parang, Maguindanao ang idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang nasawi.

Ayon kay Captain Arvin Encinas, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), bandang alas-9:50 ng gabi kasalukuyang bumabagtas ang mga biktima lulan ng motorsiklong “pa­yong-payong” sa kahabaan ng Davao-Cotabato national highway sa nasabing barangay nang ratratin ng mga armadong lalaki na nagkukubli sa masukal na bahagi ng nasabing lugar gamit ang mga M-16 rifles, cal. 45 pistol, M-14, at shotgun.

Nang masigurong napuruhan ang mga target ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dagliang ikinasawi ng isa habang ang dalawa ay hindi na naisalba pa ang kanilang buhay sa Cotabato Sanitarium Hospital.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with