^

Probinsiya

Ex-kagawad nilikida!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang dating barangay kagawad matapos na ratratin ng gunman sakay ng motorsiklo sa panibagong insidente ng pamamaril sa Purok 1 ng Barangay Mamali sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Lambayong Chief of Police, Police Senior Inspector Herman Luna ang biktima na si Julieto Abalos, dating barangay kagawad ng Mamali, Lambayong, Sultan Kudarat. Si Abalos ay binaril sa kanila mismong compound sa Purok I sa nasabing barangay at idineklarang dead-on-arrival sa isang ospital sa Tacurong City dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo, alas-5:45 ng hapon.

Agad namang tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo na minaneho ng naghihintay na kasama. Ayon kay Luna, ang biktima ay pinsan ni Lambayong Mayor Ramon Abalos. Sinabi ni Luna na ilan kasi sa mga biktima ng pamamaril sa Lambayong nitong mga nakalipas na buwan ay pawang malalapit at kamag-anak ng nasabing alkalde.

vuukle comment

CRIME SCENE LAMBAYONG SULTAN KUDARAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with