^

Probinsiya

3 NPA bulagta sa engkwentro

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatay ang tatlong mga pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang makaengkwentro ang tropa ng 51st Infantry Battalion sa may bulubunduking bahagi ng Sitio Bukana, Brgy. Mainit, Iligan City, kamakalawa.

Sa ulat kay Iligan City Information Officer Joe Pantoja, aabot sa 30 komunistang rebelde ang nakasagupa ng mga sundalo na sumubaybay sa mga ilegal na aktibidades ng grupo sa nasabing lugar. Tumagal nang halos 45 minuto ang palitan ng putok na ikinabulagta ng tatlong mga rebelde na hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan.

Wala namang naiulat na may nasawi sa panig ng pamahalaan. Bunsod ng bakbakan, nasa 270 pamilya ang naapektuhan at nagsilikas na ngayo’y mga nasa evacuation centers. Una nito, tatlong kasapi ng NPA ang sumuko sa mga sundalo sa may Brgy. Rogongon, lungsod ng Iligan.

vuukle comment

51ST INFANTRY BATTALION SOLDIERS

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with