^

Probinsiya

Fish vendor na ‘tulak’, inutas

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang dahilan upang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 53-anyos na fish vendor na sinasabing suma-sideline sa pagtutulak ng shabu ng isang ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem sa Purok Mangga, Brgy. Saguing, Makilala, North Cotabato, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang nasawing biktima na si Sangotin Molok Ampuan, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-8:50 ng gabi habang abala sa pagkukumpuni ang biktima ng kanyang sasakyang multicab sa kahabaan ng National Highway nang biglang lumitaw ang mga suspek na naka-bonnet na sakay ng motorsiklo at walang patumanggang pinagbabaril ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.

Agad na tumakas ang mga suspek sa ‘di nabatid na direksyon nang matiyak na wala nang buhay ang kanilang target.

Isa sa mga sinusundang anggulo ng mga pulis ay ang pagkakasangkot ng biktima sa iligal na droga dahil napag-alamang nasa drug watchlist ng PDEA region 12 ang nasawing biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with