^

Probinsiya

Kawatan dedo sa shootout

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Kawatan dedo sa shootout
Dead-on-the-spot bunsod ng mga tinamong tama ng punglo sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspek na si Jerick Aureada, 33, may live-in partner.
File Photo

LUCENA CITY, Philippines — Bulagta ang isang umano’y kilabot na magnanakaw sa lungsod na ito makaraang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Lucena Police kahapon ng madaling araw sa Brgy. Isabang.

Dead-on-the-spot bunsod ng mga tinamong tama ng punglo sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspek na si Jerick Aureada, 33, may live-in partner. Sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw habang nagroronda ang mga miyembro ng SWAT at Intelligence operatives sa kahabaan ng Maharlika Highway nang mapansin ang isang lalaki na nagtatangkang umakyat sa gilid ng isang hardware.

Nang sitahin ang suspek, agad siyang tumakbo at pinaputukan ang mga otoridad sanhi ng barilan at  pagkamatay nito. Nakilala ang suspek dahil sa tattoo sa kanyang kaliwang braso na nagrehistro sa mga CCTV na siyang responsable sa mga nakawan sa mga establisimyento sa lungsod. Narekober sa napatay na suspek ang isang kalibre .38 revolver.

vuukle comment

KILLED IN SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with