^

Probinsiya

Ex-con tiklo sa P.6-M shabu

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ex-con tiklo sa P.6-M shabu

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang ex-convict at kasamahan nito na sinasabing bigtime na supplier ng shabu habang nasa tumataginting na P.6-milyong halaga ng droga ang nasamsam mula rito sa ikinasang buy-bust ope­ration ng mga otoridad sa Davao City, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nadakmang suspek ay kinilalang sina Joel Alcoriza, alyas “Bogbog” at Manny Villarta, pawang mga nasa hustong gulang.

Ayon kay Chief Inspector Michael Uyanguren, hepe sa Sta. Ana Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek sa Dacudao Ave., sa naturang lungsod.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin ng mga otoridad matapos na magpositibo at masakote sa isinagawang buy-bust ng mga pulis.

Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang mga galaw ni Alcoriza kung saan malaking supplier umano ang suspek ng shabu sa downtown at mga kalapit na lugar.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang 52 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P624,000.

Nabatid na si Alcoriza ay bagong laya lamang sa Davao City Jail, matapos na mabilanggo dahil din sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

vuukle comment

ARRESTED

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with