^

Probinsiya

‘Tulak’ utas, 12 arestado sa drug raid

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� utas, 12 arestado sa drug raid
Bulagta ang drug suspect na si Arnold Delas Penas matapos umanong manlaban habang isinisilbi ng mga pulis ang search warrant laban sa kanya sa Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Cristina Go-Timbang

CAVITE, Philippines — Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga na target sa search warrant operation ng pulisya habang 12 iba pa ang naaresto sa Brgy. Molino 4, Bacoor City kahapon ng madaling-araw. 

Kinilala ni P/Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang napatay na suspek na si Arnold Delas Penas alias “Arn Arn”, 43-an­yos, ng # 143 Sitio Malipay-3, Brgy. Molino 4, Bacoor City. 

Sa panayam kay Col Cabatingan, alas-5:00 ng madaling araw nang suyurin ng puwersa ng Bacoor City Police at PDEA-Cavite ang nasabing lugar para sa ma­lawakang drug raid. Bitbit ang limang search warrant na inisyu ni Executive Judge Cynthia Marini-Ricablanca ng RTC Branch 91, Sta. Cruz, Laguna, nilusob ng gru­po ang nasabing lugar. 

Habang isinisilbi ang search warrant para kay Penas, nagtangka umanong manlaban ang huli hanggang sa mauwi sa habulan at madugong engkuwentro na ikinabulagta ng suspek.  

Nang salakayin ng pulis­ya ang iba pang target, 12 katao na ‘di tinukoy ang mga pangalan at  pawang sangkot umano sa droga ang nadak­ma sa operasyon.

vuukle comment

ARNOLD DELAS PENAS

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with