^

Probinsiya

‘Pusher’ todas, sekyu huli sa buy-bust

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Isang hinihinalang “drug pusher” ang napaslang matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa inilunsad na buy-bust ope­ration ng pinagsanib na puwersa ng City Police Station 4, City Drug Enforcement Unit at CIDG ARMM  kahapon ng tanghali sa Avocado Street, Campo Muslim, Mother Barangay Bagua, Cotabato City.

Kinilala ni City Police Station 4 Commander Sr. Insp. Ele­xon Villa Bona ang nasawing suspect na si Jonathan Hervias Guerra alyas Jepi, 29, ng Nayon Sharif, Brgy. Rosary Heights 3 ng syudad.

Nakuha mula kay Guerra ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, P500 marked money at isang fragmentation grenade.

Samantala, tatlong sachet ng pinaghihinalaang ilegal na droga ang nakumpiska ng Kidapawan City Police sa isang security guard matapos na isilbi ang search warrant sa may Alim Street, Kidapawan City dakong alas-8:00 ng gabi, Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Ace Silva Maglasang, 20, ng Kanapia Subdivision ng lungsod.

Bitbit ng Kidapawan City Police ang search warrant na ipinalabas ng isang hukom ng Branch 17, 12th Judicial Region Kidapawan City na may kinalaman sa kasong paglabag sa Section 11 o Possession of Dangerous Drugs nang kanilang salakayin ang lugar. Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang tatlong sachet ng shabu na nasa P1,500 ang halaga.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST-OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with