^

Probinsiya

Bomb courier utas sa shootout!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Bomb courier utas sa shootout!
Ayon kay Captain Arvin Encinas, spokesman ng 6th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, bandang alas-10 ng gabi nang maganap ang shootout sa lugar nang maglatag ng checkpoint ang 5th Special Forces Battalion ng PA at Cotabato City Police makaraang makatanggap ng impormasyon na may ibibiyaheng mga anti-personnel mines ang mga teroristang grupo sa lungsod.

MANILA, Philippines — Patay ang isang hinihinalang bomb courier matapos umanong kumasa sa pinagsanib na elite forces ng Philippine Army (PA) at pulisya sanhi ng engkuwentro sa isang checkpoint sa East Diversion Road, Brgy. Tamontaka 2, Cotabato City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Captain Arvin Encinas, spokesman ng 6th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, bandang alas-10 ng gabi nang maganap ang shootout sa lugar nang maglatag ng checkpoint ang 5th Special Forces Battalion ng PA at Cotabato City Police makaraang makatanggap ng impormasyon na may ibibiyaheng mga anti-personnel mines ang mga teroristang grupo sa lungsod.

Sinabi ni Encinas na habang papalapit sa checkpoint ang ‘di kila­lang suspek sakay ng motorsiklo, kahina-hinala na ang kilos nito na tumangging sumailalim sa inspeksyon. Nang tangkain ng tropa ng gobyerno na lapitan, agad umanong bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga bantay sa checkpoint sanhi ng shootout. Bumulagta ang ’di pa kilalang terorista at idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan bunga ng mga tama ng baril sa katawan.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with