^

Probinsiya

Davao fire: 2 sugatan, P2-M naabo

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Davao fire: 2 sugatan, P2-M naabo

MANILA, Philippines — Nasa anim na boar­ding house at 34 pang kabahayan ang nilamon ng apoy sa magkahiwalay na sunog sa Davao, ayon sa pulisya kaha­pon.

Base sa unang report, umaabot sa P2 mil­yon ang naabo sa sunog sa anim na boarding house sa Ro­xas Extension malapit sa University of Mindanao Digos College, sa Digos City, Davao del Sur, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Chief Insp. Joycelyn Grant, city fire marshall, nagsimula ang sunog alas-2:55 ng madaling araw sa kusina o dirty kitchen sa compound ng boarding house na pag-aari ni Danny Agravante. Ang mga bahay ay gawa lamang sa light materials sanhi upang mabilis na kumalat ang apoy.

Mabilis na rumes­ponde sa lugar ang mga pamatay-sunog mula sa Filipino-Chinese firefighters, Aplaya sub-station at mga kalapit na bayan ng Padada at ideneklarang fire-out dakong alas-4:15 ng madaling araw kahapon.

Samantala, dalawa katao ang nasugatan na kinilalang sina Dante Tubig at Jessie Garcia, 59, makaraang sumiklab ang sunog na tumupok sa may 34 na kabahayan sa Toril District nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Fire Chief Insp. Virnalita Silagan, acting Davao City Fire marshal, kabilang sa mga nilamon ng apoy ay ang bahay nina Tubig at Garcia sanhi ng kanilang pagkasugat nang magliyab ang mga kabahayan sa may Wa­ling-waling Street, Barangay Daliao, Davao City dakong 12:52 ng hapon.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with