^

Probinsiya

2 paslit nahulog sa dam, patay!

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 paslit nahulog sa dam, patay!

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —  Dalawang batang magpinsan ang nasawi matapos silang mahulog at malunod sa isang mini-hydro dam sa bayan ng Ramon, ng lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang dala­wang biktima na sina Brix Xajier Fernandez, 10, at pinsan na si Sweet­zel Galindo, 9, kapwa residente ng Purok 5, Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Sa report na ipinalabas ni Sr. Insp. Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Police Office, naglalaro umano ang dalawang bata sa lugar dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa nang aksidente silang madulas at mahulog sa dam hanggang sa lamunin ng tubig.

Dakong ala-1:30 na ng madaling araw kahapon nang matagpuan ng mga rumespondeng tauhan ng Ramon Police at Rescue 316 ang bangkay ng dalawang bata matapos ang isi­nagawang search and rescue operations.

Kaugnay nito, na­na­wagan ang mga aw­to­ridad at opisyal ng nasabing bayan na ipagbawal sa mga bata na mamas­yal o maglaro malapit sa dam para hindi na maulit ang nangyari sa magpinsan. 

vuukle comment

DROWNED

MINI-HYDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with