^

Probinsiya

8-anyos totoy nalunod sa ilog!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
8-anyos totoy nalunod sa ilog!
Patay na nang matag­puan ng ilang residente ang palutang-lutang na biktima na si Justin Jayden Alemania, Grade 3 pupil at residente sa nasabing barangay, sa Macabalo River sa Brgy. Dapdap.

Dahil sa inanod na tsinelas

LEGAZPI CITY Albay  , Philippines  —  Nalunod ang isang 8-anyos na totoy matapos habulin nito ang inanod na tsinelas habang naglalaro sa ilog sa Resettlement Site, Brgy. Taysan, ng lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Patay na nang matag­puan ng ilang residente ang palutang-lutang na biktima na si Justin Jayden Alemania, Grade 3 pupil at residente sa nasabing barangay, sa Macabalo River sa Brgy. Dapdap.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga, habang nagtatampisaw ang biktima at ilang kalaro sa tabi ng ilog nang anurin ng malakas na agos ng tubig ang tsinelas nito. Sinubukang habulin ng bata ang tsinelas pero pati siya ay tinangay ng agos hanggang sa lamunin ng tubig.

Gayunman, dahil sa sobrang takot, hindi nagsabi ang mga kalaro ng bata sa mga magulang ng biktima at sa halip nagkanya-kanya silang uwi na lamang sa kanilang bahay.

Kinaumagahan, nag­sumbong sa buong pangyayari ang mga kalaro ng bata nang hinahanap na ang biktima ng magulang hanggang sa matagpuang patay ito sa dulo ng ilog.

vuukle comment

DROWNED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with