^

Probinsiya

Trike salpok sa kotse: 5 patay, 14 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Trike salpok sa kotse: 5 patay, 14 sugatan
Kinilala ang mga nasawi na sina Reynald Gamil, 20-anyos, Sanggunian Kabataan councilor; John Eric Gamil, 17; Kim Gamil,7; Borito Santos, 44, reflexologist at John Kelly Villanueva, 23-anyos, sundalo ng PN.

MANILA, Philippines — Lima katao kabilang ang isang miyembro ng Philippine Navy (PN) at isang konsehal ang kumpirmadong nasawi habang 14 pa ang nasugatan makaraang magsalpukan ang isang kotse at humahagibis na tricycle sa San Juan, Batangas nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Reynald Gamil, 20-anyos, Sanggunian Kabataan councilor; John Eric Gamil, 17; Kim Gamil,7; Borito Santos, 44, reflexologist at John Kelly Villanueva, 23-anyos, sundalo ng PN.

Nilalapatan naman ng lunas ang mga nasugatan na karamihan ay magkakamag-anak na sina Levy Gamil, 49, driver ng tricycle; Maximo Gamil, 53; Virgilio Gamil, 50; Benilda Gamil, 41; Christian Delacion, 26, call center agent; John Rivera, 20, Ethel Gamil, Kim Gamil at Rose Diane Gamil; pawang ginagamot sa Batangas Medical Center at tatlong iba pa na ‘di natukoy ang pangalan.

Ang dalawang iba pa na sina James Dimaano, 17, at Hanford Moredo ay isinugod naman sa San Juan Doctors Hospital.

Ayon kay Supt. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng Police Regional Office IV-A, bandang alas-2:45 ng madaling araw habang humaharurot sa takbo sa highway sa Brgy. Laiya Aplaya ang tricycle lulan ang nasa 11 katao nang aksidente itong sumalpok sa Honda Civic na sakay naman ng ibang biktima habang nasa kabilang bahagi ng highway.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with