^

Probinsiya

Catholic school naabo sa sunog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Sinalubong ng hindi magandang araw ang bagong taon ng mga residente makaraang tupukin ng apoy ang malaking bahagi ng itinuturing na pinakamatandang Catholic school sa Brgy. 2, ng lungsod kahapon ng umaga. Sa ulat dakong alas-8:45 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa administration building, chapel at quarters ng mga madre sa Sacred Heart College (SHC). Nagtulung-tulong ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod at mga pamatay sunog mula sa kalapit na bayan ng Pagbilao, Tayabas City, Sariaya at Candelaria na maapula ang malaking sunog. Nabatid na itinatag noong 1884 ni Hermana Fausta Labrador ang SHC na noon ay tinawag na Escuela del Sagrado Corazon de Jesus. Inaalam pa ang sanhi o pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga naabong ari-arian.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with