^

Probinsiya

Tserman sa Batangas, itinumba

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Tserman sa Batangas, itinumba
Dead-on-arrival sa pa­gamutan ang biktimang si Brgy. Chairman Eduardo Panganuban, 59, ng Pa­ng­hayaan, ng naturang lugar, dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
File Photo

MANILA, Philippines — Tiniyak na hindi na makapagdidiwang ng Pasko ang isang kapitan ng barangay matapos masawi nang pasukin ng tatlong armadong kalalakihan sa loob mismo ng garahe ng kanilang tahanan at walang habas na pinagbabaril naganap sa Taysan, Batangas kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa pa­gamutan ang biktimang si Brgy. Chairman Eduardo Panganuban, 59, ng Pa­ng­hayaan, ng naturang lugar, dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Batay sa ulat ng Batangas PNP,  dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng garahe ng tahanan ng biktima.

Kasalukuyan umanong nasa garahe ang biktima nang bigla na lang pumasok sa loob ang tatlong ‘di kilalang salarin at kaagad siyang pinagbabaril hanggang sa duguang bumulagta.

Nang makitang napuruhan ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin habang isinugod naman ng kanyang mga kaanak ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara ring patay.

Masusi nang iniimbestigahan ng mga otoridad ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ano ang motibo sa likod ng pamamaslang. (Mer Layson)

vuukle comment

BARANGAY CAPTAIN SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with