^

Probinsiya

Police station inatake ng NPA: 1 dedo, 3 pulis sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Police station inatake ng NPA: 1 dedo, 3 pulis sugatan
Inaalam pa ang pangalan ng nasawing biktima habang ang mga nasugatang pulis ay sina PO1 Sonny Son Estera, PO1 Melvin Bartolata at PO1 Rolan Geul. Sila ay unang isinugod sa Magallanes Me­dical Medicare Center bago ilipat sa Sorsogon Medical Mission Group Hospital sa Sorsogon City kung saan unti-unti nang bumubuti ang kanilang kondisyon.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang sibilyan na may diperensya sa pag-iisip ang patay habang tatlong pulis ang nasugatan matapos ang pag-atake ng nasa 16 armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa istasyon ng pulisya sa Brgy. Poblacion, Magallanes, Sorsogon nitong Lunes ng gabi.

Inaalam pa ang pangalan ng nasawing biktima habang ang mga nasugatang pulis ay sina PO1 Sonny Son Estera, PO1 Melvin Bartolata at PO1 Rolan Geul. Sila ay unang  isinugod sa Magallanes  Me­dical  Medicare Center bago ilipat sa Sorsogon Medical Mission Group Hospital sa Sorsogon City kung saan unti-unti nang bumubuti ang kanilang kondisyon.

Sa ulat ni Sorsogon Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Marlon Tejada, bandang alas -7:30 ng gabi nang paulanan ng bala ng mga armadong NPA rebels ang Magallanes Municipal Police Station (MPS).

Sinabi ni Tejada na ang mga umatakeng rebelde ay pumosisyon sa likurang bahagi ng nasabing himpilan saka pinaulanan ito ng bala.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake, mabilis na dumepensa ang mga bantay na pulis na nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde na tumagal ng 10 minuto.

Matapos ang sagupaan, nasugatan ang tatlong pulis pero minalas na masawi ang sinto-sinto na nasa bisinidad lamang ng nasabing lugar. (Jorge Hallare)

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with