^

Probinsiya

Mag-utol sa Cagayan massacre kinasuhan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sinampahan na kahapon ng kasong kriminal ng pulisya ang mag-utol na suspek sa pagmasaker sa anim na miyembro ng isang pamilya noong Sabado sa Gonzaga, Cagayan.?

Ayon kay Chief Insp. Elpidio Zingapan, hepe ng Gonzaga Police, sina Samy Oandasan, 41, at Sam Oandasan, 28, ang itinuturo sa malagim na pagkatay sa kanilang pinsang si Dizon Oandasan 42,  misis nitong si Sany 47; mga anak na sina Wilson 13, Karen 12, Dizon Jr.,5, at kaanak na si Juanito Soliva, 55, na natagpuang may tama ng bala sa ulo at taga sa buong katawan sa kanilang bahay sa Brgy. Ipil noong umaga ng Sabado.?

Una nang namataan si Sam sa hospital noong umagang madiskubre ang mga bangkay ng magkakaanak subalit itinanggi nitong nagpagamot siya sa natamong mga sugat mula sa panlalaban ni Dizon.? Ani Sam, dinalaw lamang niya ang biyenan na naka-confine sa pagamutan. ?Gayunman, sinabi ni Zingapan na nagmanman lamang si Sam sa hospital matapos malaman na ang bunsong anak ni Dizon na si Denison, 3, ay nakaligtas sa insidente sa kabila ng natamo nitong taga sa leeg.? Aniya, ang biyenan ni Sam ay isinugod sa hospital isang gabi pa bago naganap ang krimen.

vuukle comment

CAGAYAN MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with