^

Probinsiya

Motor salpok sa trak: 2 karpintero dedo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dalawang karpintero ang nasawi matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na trak sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Bambang ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ni P/Sr. Inspector Samuel Lopez, hepe ng Bambang Police Station ang dalawang nasawi na sina Bjorn Jann Rasos, 28, at Abelardo Bongalon Jr., 23, kapwa residente ng Brgy. Bintawan, Villaverde sa lalawigang ito.

Sa ulat ng Bambang Police, dakong alas-4:50 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente matapos salpukin ng Kymco na motorsiklo (KB25A 2002538) na sinasakyan ng dalawang biktima ang kasalubong na Isuzu Forward trak (ABC 9017) na minamaneho naman ni Marlon Tadeo, 21, residente ng Rosario, Santiago City, Isabela. Tinangkang mag-overtake ng motorsiklo na minamaneho ni Rasos sa sinusundang trailer truck nang sumal­pok sa kasalubong na forward truck mula sa kabilang linya.

Agad na isinugod sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital ang dalawang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa mga natamong sugat.

Kusang sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng trak na nahaharap ngayon sa kaukulang kaso.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with