^

Probinsiya

Sakahan inatake: Magsasaka utas, 2 grabe

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang magsasaka habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos na umatake ang dalawang armadong lalaki na naka-bonnet at pagbabarilin ang mga biktima habang nag-aani ng mais sa malawak na sakahan sa Sitio Tubak, Brgy. Pagangan, Aleosan ng lalawigan nitong Linggo.

 

Kinilala ang nasawi na si Kamansali Musa, 43-anyos, ng Libutan, Mamasapano, Maguindanao habang isa sa dalawang nasugatan ay nakilalang si Aljun Makasasa ng Brgy. Pagangan. 

Batay sa ulat, alas-3:00 ng hapon habang nag-aani ang mga magsasaka ng mais sa bukid nang bigla na lamang dumating ang dalawang armadong lalaki at nirapido ang mga biktima saka sila mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Sa report kay Sr. Supt. Maximo Layugan, North Cotabato police provincial director mula sa Aleosan Police, narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na pistol at M-16 armalite rifle.

Malaki ang paniniwala ng imbestigador na si PO3 Sammy Clarito na  away pamilya o “rido” ang sanhi ng krimen.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with