^

Probinsiya

Shabu queen timbog sa P6.8 milyong droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar kasunod ng kanilang pagkakaaresto sa isang binansagang “shabu queen” na nakumpiskahan ng may P6.8 milyong halaga ng shabu sa isinagawang anti-drug operation sa Purok 11, Acasia Drive, Brgy. Upper Calarian, Zamboanga City kamakalawa.

 

Kinilala ni Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, regional director ng Police Regional Office (PRO) 9,  ang nasakoteng suspek na si Marrisa Wee alyas “Indah”, 32, residente sa nasabing lugar.

Bandang alas-2:00 ng hapon nang masakote ang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na elemento ng Zamboanga City Police, Philippine Air Force (PAF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 sa nasabing lugar.

Ayon kay Licup, isa sa kanilang mga poseur buyer ay nakipag-deal  sa suspek na bibili ng P1.2 milyong halaga ng shabu at nang iniaabot na ito ay agad siyang dinakip at pinosasan ng mga awtoridad. Gayunman, nagawang makatakas ang kasamahang drug pusher ni Wee na si Mayong Kamlon lulan ng Isuzu trooper na walang plaka patungo sa coastal area. Napansin ni Kamlon na napapalibutan ng mga pulis si Wee kaya agad siyang nag-u-turn at tumakas.

Samantala, isa sa mga pulis na lulan ng motorsiklo at ang behikulo ng Philippine Air Force (PAF) na nagsisilbing blocking force sa nasabing operasyon ay nabangga pa ng nasabing SUV na ikinasugat ng isang pulis. Nagtamo rin ng pinsala ang kulay asul na Toyota Revo ng PAF.

Narekober mula kay Wee ang isang kulay asul na galon ng Caltex na nag­lalaman ng isang malaking transparent bag na may lamang isang kilo at pitong gramong shabu na aabot sa P6.8 milyon ang halaga.

Nakuha rin mula sa suspek ang isang 12 bundles ng boodle mo­ney, isang BIR identification card, isang Samsung cellular phone at isang fragmentation grenade.

vuukle comment

SHABU QUEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with