^

Probinsiya

Treasury office nilooban: P.7-M tinangay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Treasury office nilooban: P.7-M tinangay
Personal na nagtu­ngo mismo para magreport sa Prieto Diaz Police ang municipal treasurer na si Ronnie Dionela ng nasabing bayan matapos na malamang pinasok at nilooban ang kanilang tanggapan.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Luhaan ngayong Kapaskuhan ang mga kawani ng munisipyo matapos na nakawin ng “akyat-bahay” ang mala­king halagang pansahod sana nila na nakatago sa treasury office sa munisipalidad ng Prieto Diaz sa Sorsogon kamakalawa ng madaling araw.

Personal na nagtu­ngo mismo para magreport sa Prieto Diaz Police ang municipal treasurer na si Ronnie Dionela ng nasabing bayan matapos na malamang pinasok at nilooban ang kanilang tanggapan.

Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga nang ma­diskubre na nawawala na ang perang pansahod ng lahat ng kawani ng munisipyo na nagkakahalaga ng P755,147.86 na nasa loob ng vault. Nang i-review ang kopya ng CCTV, nakita ang isang lalaki na nakasuot ng bonnet dakong alas-12:23 ng hatinggabi na nakapasok sa pamamagitan ng pagsira sa sliding door ng nasabing opisina. Nakitang sa pamamagitan ng steel bar na hinihinalang nababalot ang dulo ng papel ay sinira ng suspek ang lock ng sliding door at nang makapasok sa opisina ay sinira naman nito ang steel cabinet kung saan nakalagay ang vault na naglalaman ng pera.

Inamin naman ni Gemma Ferrer, revenue collection clerk ng municipal treasury office sa pulisya na nakagawian na niya na bukas lang lagi ang vault kahit may lamang pera habang ang steel cabinet ang kanyang inila-lock.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with