^

Probinsiya

Motor vs water tanker: Mag-asawa, anak dedo!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Motor vs water tanker: Mag-asawa, anak dedo!
Sa sketchy report ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7, nangyari ang insidente sa kahabaan ng S. Osmeña, Liloan, Cebu dakong alas-9:30 ng gabi.

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi makaraang salpukin ng water tanker ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Liloan, Cebu kamakalawa ng gabi.

Sa sketchy report ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7,  nangyari ang insidente sa kahabaan ng S. Osmeña, Liloan, Cebu dakong alas-9:30 ng gabi. Kasaluku­yang lulan ng motorsiklo ang mag-asawa at kanilang anak na pawang inaalam ang pagkakakilanlan nang mabangga ng isang kasalubong na water tanker sa lugar. Ang pamilya ay galing sa Christmas party ng nasabing mister na isang security guard sa lungsod.

Dead-on-the-spot  sa insidente ang ginang makaraang magulungan ng water tanker habang ang mister at tinatayang 9-taong gulang nilang anak na lalaki ay binawian ng buhay ilang minuto matapos na isugod sa Vicente Sotto Memorial Hospital. Nakapiit na sa detention cell ng pulisya ang inarestong driver ng water tanker.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with