^

Probinsiya

3 dakma sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 dakma sa buy-bust
Himas-rehas na ngayon ang mga suspek na kinilalang sina Reynaldo Alfonso, 49; Edwin Ranmientos, 42; at John Paul Aguilar, 37-anyos pawang mga residente ng Brgy Fatima 1 at 2, sa naturang lungsod,
File Photo

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng tatlong sinasabing mga bigtime na ‘tulak’ ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Fatima 2, Damariñas City, lalawigan ng Cavite, kahapon ng madaling araw.

Himas-rehas na ngayon ang mga suspek na kinilalang sina Reynaldo Alfonso, 49; Edwin Ranmientos, 42; at John Paul Aguilar, 37-anyos pawang mga residente ng Brgy Fatima 1 at 2, sa naturang lungsod,

Ayon sa ulat ng Damariñas City Police, dakong alas-2:00 nang ikasa ang buy-bust laban sa mga suspek.

Isang pulis ang tumayong buyer at nang magpositibo sa kalagitnaan ng transakyon ay dito na pinagdadakma ang mga suspek. Nakuha sa mga ito ang may mahigit sa 52.54 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P.5-milyon ang halaga.

Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang mga suspek matapos na makatanggap ng sunud-sunod na sumbong hinggil sa talamak na pagbebenta ng mga ito ng droga.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with