^

Probinsiya

19 sasakyan inararo ng trak: 6 patay!

Cristina Timbang, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
19 sasakyan inararo ng trak: 6 patay!
Hindi na mapakinabangan pa ang isang 10-wheeler truck matapos na mawasak nang araruhin nito ang may 20 pang iba’t ibang uri ng sasakyan bago nito sinalpok ang isang bakery at isang bahay na ikinasawi ng anim katao at ikinasugat ng 14 iba pa sa Sta. Rosa, Laguna kamakalawa ng gabi
(Mga kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines — Anim na katao ang patay, kabilang ang dalawang bata nang mawalan ng preno at araruhin ng isang 14-wheeler truck ang 19 sasakyan bago ito sumalpok sa isang panaderya at bahay sa Sta. Rosa City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Laguna Police chief P/Senior Supt. Eleazar Matta ang mga namatay na sina Lorelyn Rosel Sumadsad, 22; ang magkapatid na sina Jerome, 17, at Jayson Baluya, 25; Quelah Ayesha Velasco, 1-anyos; Juvelyn Floresco Delizo, 21, at 2-taong gulang na anak na si Ariane Kaye Yllera, pawang ng Sitio Kawad, Brgy. Sto. Domingo.

Ginagamot naman sa ospital ang 14 pang sugatan kabilang sina Magdaleno Sumadsad, ang buntis na si Laiza Castillo; Reynalyn de Guzman; Ronaldo Serrano Sr.; Ronalyn Serrano; Mark Ariel Dignos; Sarah May Dignos; Jerwin Baluya; Juanito Marquez; Ker Luis Garcia, 12-anyos; Fherlyn Jane Delizo; Rodel Esquera; John Paul Bautista; at Aileen Vallestero.

Batay sa ulat ni PO3 Da­niel Bahiwag, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Sta. Rosa-Tagaytay road sa Brgy. Sto. Domingo. May mga sakay na metal bearings ang naturang truck na minamaneho ni Anthony Bernardo, na mula sa Dasmariñas City, Cavite, at mabilis ang takbo nang biglang mawalan ng preno. Sanhi nito, inararo ng trak ang may 19 na mga sasakyan, na noon ay mabagal umano ang takbo dahil sa traffic at may mga tao pang mula sa Nuvali, na isang kila­lang shopping at commercial district sa Sta. Rosa.

Bumangga pa ang truck sa isang panaderya at isang bahay bago ito tuluyang hu­minto.

Nabatid na kabilang sa mga namatay sa insidente ay mga natutulog sa loob ng bakery habang ang iba naman ay naglalakad lamang sa gilid ng kalsada.

Matapos ang insidente, tumakas ang driver ng trak na ngayo’y tinutugis na ng pulisya.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with