^

Probinsiya

Guwardya na ‘tulak’ utas sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Guwardya na �tulak� utas sa shootout
Sinubukan pang isugod ng mga operatiba sa Camarines Norte Provincial Hospital pero dineklarang dead-on-arrival ang suspek na kinilalang si Rodrigo Huerta Copino, ng Purok-4, nasabing barangay.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang 56-anyos na security guard na suma-sideline pa sa pagtutulak ng droga matapos makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sana sa kanya sa ginawang buy-bust operation sa Purok-1,Brgy. Pamorangon sa bayan ng Daet, Camarines Norte noong Biyernes ng madaling araw.

Sinubukan pang isugod ng mga operatiba sa Camarines Norte Provincial Hospital pero dineklarang dead-on-arrival ang suspek na kinilalang si Rodrigo Huerta Copino, ng Purok-4, nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw nang ilatag ng magkasanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch, Camarines Norte Provincial Office at Daet Police sa pangunguna ni Supt. Bernett Nabunat ang buy-bust operation laban sa suspek. Gayunman, nakahalata si Copino na pulis ang kanyang katransaksyon kaya bumunot siya ng baril at pinutukan ang poseur buyer. Agad namang gumanti ng putok ang nakatagong mga operatiba dahilan para duguang bumulagta ang suspek. Ligtas naman ang pulis na poseur buyer dahil sa suot na bullet proof vest.

Nakuha sa suspek ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu, buy bust money at ang kalibre 38 baril.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with