^

Probinsiya

40 timbog sa drug ops sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng 40 drug suspects matapos madakip ng mga pulis sa isinagawang magdamagang drug-bust operation sa 4 na bayan at 3 lungsod sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa.

Dakong alas-2:30 ng hapon nang simulan ng Cavite Police ang malawakang drug raid sa 7 lugar na umabot sa 12 oras at nadakma ang may 40 katao kabilang na rito ang ilang nasa drug watchlist ng pulisya.

Kumalat ang buong puwersa ng mga tauhan ng Cavite Police at ginalugad ang mga bayan ng Kawit, Rosario, Gen Mariano Alvarez, Indang, at ang tatlong lungsod ng Bacoor, Imus at Gen Trias City. Kabuuang arestadong suspek ay umabot sa 40 na karamihan ay sinasabing mga ‘tulak’ at nakuhanan ang mga ito ng mga ‘di pa mabilang na timbang ng shabu, drug money, at drugs paraphernalias.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with