^

Probinsiya

Bigtime ‘tulak’ timbog sa P3.4-M shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bigtime �tulak� timbog sa P3.4-M shabu
Ang suspek na nadakip ay kinilalang si Datukon Esmail, nasa hustong gulang, at residente ng Town and Country Subdivision, sa nasabing lugar.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang sinasabing bigtime na ‘tulak’ ng droga matapos masakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng nasa P3.4-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang subdivision sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa.

Ang suspek na nadakip ay kinilalang si Datukon Esmail, nasa hustong gulang, at residente ng Town and Country Subdivision, sa nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:00 ng tanghali nang ikasa ang operasyon ng mga otoridad laban sa suspek.

Nakuha sa suspek ang 5 plastic bag na naglalaman ng shabu na may timbang na 500 gramo at nagkakahalaga ng P3.4-milyon.

Nabatid na ilang araw ding isinailalim sa surveilance ang suspek matapos na makatanggap ng ilang reklamo ang mga otoridad mula sa mga residente sa nasabing subdivision hinggil sa talamak na pagbebenta ng droga ng suspek.

vuukle comment

SEIZED SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with