^

Probinsiya

Operasyon ng bus sa Metro Manila, probinsiya linawin - LCSP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na linawin sa publiko ang tunay na ruta ng bawat passenger buses sa Metro Manila at mga probinsiya.

 

“Malaki ang epekto nito dahil kapag city ope­ration makaka-pasok ang mga bus sa Metro Manila. Samantalang ang mga provincial buses ay hanggang sa Parañaque Intermodal Terminal lang puwede. May mga umangal dito at nahantong pa nga sa bintang ng korapsyon,” pahayag ni LCSP founding Chair Ariel Inton.

Naniniwala si Inton na maganda ang hangarin ng LTFRB at DoTR dahil libu-libong mga pasahero araw-araw na nanggaga­ling sa mga karatig na probinsya papunta ng Me­tro Manila para magtrabaho ang magbebenepisyo rito.

Pero binigyang diin ni Inton na mahihirapan ang mga pasahero sa araw-araw na biyahe kung sa PTIX terminal pa sila bababa at saka sasakay ng panibagong sasakyan papasok ng Metro Manila. 

Anya, dapat pag­handaan ng bawat ma­mamayan ang pagkakaroon ng Mega Manila dahil halos kapitbahay na ng Metro Manila ang ilang probinsiya tulad ng Cainta, Antipolo, San Mateo, Meycauayan, San Jose del Monte, Bulacan. Bacoor, Cavite, Sta Rosa, Laguna gayundin ang Cavite, hanggang Gen. Trias dahil ang dating probinsiya ay maaaring maging siyudad na ng Metro Manila sa darating na panahon.

Sa ngayon anya ay may mga taxi na mega Manila na ang ruta kayat sa usapin ng mga bus ay dapat na malinaw ang tunay na ruta ng mga ito para maglaho ang hinala ng ilan na may korapsiyon sa pagkakaroon ng Metro Manila city operation ng ilang provincial buses na nakakapasok sa kalakhang Maynila.

vuukle comment

LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with