^

Probinsiya

Drug raid: 4 ‘pusher’ huli sa P36.3 milyon shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad matapos na madakip ang apat na hinihinalang bigtime drug pusher at masamsaman ng mahigit tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P36.3 milyon sa isi­nagawang drug raid sa Brgy. Sambag 2, Cebu City nitong Biyernes ng gabi.

 

 Kinilala ang mga nasakoteng umano’y tulak ng droga na sina Michael Carabaña, 28, na siyang target ng drug operation; Arnold Arquiza, 37; Agustin Quijano, 34, at Jemuel Enrile, 24-taong gulang.

Sa report  ni Sr. Supt. Ro­­yina Garma, hepe ng Cebu City Police, dakong alas-10 ng gabi nang isaga­wa ng mga anti-drug ope­ratives ng Guadalupe Police Station ang drug bust operation sa Urgello Street, Brgy. Sambag 2 ng lungsod.

Ayon kay Garma, may mataas na demand ng shabu sa lungsod base sa bulto ng droga na nakumpiska na sa loob lamang ng halos isang buwan ay nasa P90 mil­yon na ang halaga.

Si Carabaña ay isang high value target sa drug watchlist ng pulisya na isinailalim sa masusing surveillance operation bago nabitag.

 Ang tatlo pang drug pusher na kasamahan ng target na si Carabaña ay nasa apartment nito sa lugar nang isagawa ang raid kung saan naaktuhan habang nagpapartehan sila sa ibebentang droga.

 Pinaniniwalaan na ang mga droga na nakumpiska sa mga suspek ay galing pa sa Me­tro Manila na nailusot lamang sa lungsod.

vuukle comment

DRUG RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with