HVT tiklo sa P1-M shabu
MANILA, Philippines — Arestado ang isang high value target na drug suspect matapos na mahuli sa inilatag na buy-bust operation sa Cotabato City, Huwebes ng gabi. Ayon kay Juvenal Azurin, ang Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) ang suspek ay kinilalang si Alladin Kendatu, 38-anyos at residente ng Barangay Ungap, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Natiklo ang suspek, alas-8:30 ng gabi matapos na mabilhan ng undercover na agent ng pulisya ng P1 milyong halaga ng shabu na nasa tatlong maliit na plastic. Ang suspek ay matagal nang minamanmanan ng PDEA at Army Special Forces.
- Latest