^

Probinsiya

Sundalong ‘tulak’, timbog

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Sundalong �tulak�, timbog
Kinilala ng mga otoridad ang natimbog na suspek na si Corporal Arman Oria Octaviano, 35-anyos, may asawa na nakadestino sa 71st Infantry Batallion, residente sa Lupao, Nueva Ecija.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang sundalo na sinasabing ‘tulak’ ng droga ang nasakote ng mga otoridad sa isinagawang drug-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Davao sa Brgy. Limbo, Maco, Compostela Valley Province, kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ng mga otoridad ang natimbog na suspek na si Corporal Arman Oria Octaviano, 35-anyos, may asawa na nakadestino sa 71st Infantry Batallion, residente sa Lupao, Nueva Ecija.

Agad na dinakip ang suspek matapos mabitag sa tran­saksyon ng poseur buyer na pulis at makumpiskahan ng nasa P50-libong halaga ng shabu.

Nakuha rin ang iba pang anim na pakete ng shabu sa pag-iingat ng suspek, mga drug paraphernalia at ang buy-bust money.

Ayon sa PDEA, itinuturing nila ang suspek na isang High Value Target (HVT) dahil sa kawani ito ng pamahalaan at miyembro pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dagdag pa ng PDEA na matagal na rin umano nilang minamanmanan ang suspek.

vuukle comment

DRUG-BUST OPERATION

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with