^

Probinsiya

10 tiklo sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang sampung katao kabilang ang apat na magkakaanak na itinuturong mga kilabot na ‘tulak’ ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Gen. Trias Police sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ni Police Supt. Paul Bometivo, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang mga suspek na sina Usman Alangadi Sarif, Aira Sarip, Mohanif Hadjimanan at Ramza Macaayong Sarip, magkakaanak; Renaldo Aque, Jeffrey Aguirre, Mary Jane Alolot, Ronilo Pakingan, Jerwin Bawalan at Jayson Mojica,  pawang mga nasa hustong gulang at mga residente ng Tropical Village Pabahay 2000 Brgy. San Francisco, General Trias City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang ikasa ng mga otordidad ang operasyon sa nasabing lugar makaaraang makatanggap ng sunud-sunod na sumbong mula sa mga kapitbahay hinggil sa talamak at lantarang pagbebenta ng mga suspek ng shabu sa kanilang lugar.

Narekober sa mga ito ang 18 plastic sachet ng shabu, buy-bust money, at mga drug paraphernalia’s.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with