^

Probinsiya

Kandidatong konsehal, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kandidatong konsehal, itinumba
Kinilala ang nasawing biktima na si Levin Uy, nasa hustong gulang, da­ting konsehal ng bayan ng Bayambang na nagpahinga lamang sa pulitika at muling kumakandidato sa nasabing puwesto.

MANILA, Philippines — Hindi na naituloy ng isang kadidatong konsehal para sa nalalapit na Midterm Elections sa 2019 ang kanyang pag-eehersisyo matapos ratratin ng ‘di pa natutukoy na mga salarin habang nagdya-jogging kahapon ng umaga sa Poblacion, Bayambang, Panga­sinan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Levin Uy, nasa hustong gulang, da­ting konsehal ng bayan ng Bayambang na nagpahinga lamang sa pulitika at muling kumakandidato sa nasabing puwesto.

Ang kasamahan nitong si Cesar Salosagcol ay nagtamo naman ng sugat sa katawan bunga ng insidente.

Sa ulat ng Pangasinan Police, nangyari ang insidente sa bisinidad ng Brgy.Zone 2 ng bayang ito dakong alas-7:00 ng umaga.

Base sa imbestigasyon kasalukuyang nagdya-jogging ang biktima kasama si Salosagcol nang pagbabarilin ng dalawang armadong suspek.

Naisugod pa sa paga­mutan si Uy ngunit idineklarang dead-on-arrival habang patuloy namang nila­lapatan ng lunas ang nasugatang si Salosagcol.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito at inaalam na rin kung may kinalaman ito sa pulitika.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with