^

Probinsiya

Bahay sinuwag ng ambulansya, 6 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bahay sinuwag ng  ambulansya, 6 sugatan
Sugatang dinala sa Ragay District Hospital ang mga biktimang si Michaela Parafina, 20; Judylyn Belleras, 21; Micaela Belleras,13; at ang mga sanggol na sina Prince Elnathan Nunez Belleras,10-buwang gulang at Akio Brent Tating, 4-buwang gulang, pawang residente sa nasabing barangay.

MANILA, Philippines — Anim katao ang isinugod sa pagamutan kasama ang dalawang sanggol matapos salpukin nang rumaragasang ambulansya ang isang bahay sa tabi ng Rolando Andaya Highway sa Brgy. Amomokpok sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Sugatang dinala sa Ragay District Hospital ang mga biktimang si Michaela Parafina, 20; Judylyn Belleras, 21; Micaela Belleras,13; at ang mga sanggol na sina Prince Elnathan Nunez Belleras,10-buwang gulang at Akio Brent Tating, 4-buwang gulang, pawang residente sa nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-2:25 ng hapon, mabilis na binabaybay ng ambulansya (SKW-504) ng LGU-Catanduanes ang highway na minamaneho ni Donald Sorreda, 35-anyos, residente ng Brgy. Pacol, Naga City nang mawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa bahay na nasa tabi ng kalsada kung saan nasa loob ang mga biktima.

Agad sinaklolohan ng mga residente at isinugod sa ospital ang mga sugatang biktima kasama na ang driver ng ambulansya na si Sorreda.

Sa imbestigasyon, lumalabas na naidlip habang nagmamaneho ang drayber ng ambulansya.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with