7 pang Maute-ISIS sumuko
MANILA, Philippines — Pito pang miyembro ng teroristang Maute-ISIS ang sumuko sa tropa ng militar sa Lumbaca Unayan, Lanao del Sur kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Captain Clint Antipala, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID) ang pitong Maute-ISIS ay sumurender sa tropa ni Lt. Col Ian Noel Ignes, Commander ng Army’s 55th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Ranao.
Gayunman pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan sa mga ito dahilan kasalukuyan pang isinasailalim sa custodial debriefing at patuloy ang dragnet operations laban sa iba pang Maute-ISIS.
Isinurender din ng mga ito ang dalawang M-16 rifles, isang M-14 rifle, isang UZI, dalawang cal. 45 pistol at isang 9 MM handguns.
“The joint efforts of LGUs and our troops in the ground made the successful surrender,”ayon sa opisyal.
- Latest