^

Probinsiya

‘Senior’, 6 pa timbog sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
�Senior�, 6 pa timbog sa buy-bust
Dakong alas-4:30 ng madaling araw nang isagawa ang operation kung saan mismong sa bahay ni Butingan na kasama ang anim pang kliyente umano nito, ay nakabili ang poseur buyer na pulis ng P500 halaga ng shabu.

CAVITE , Philippines  —  Sa kulungan gugugulin ang dapit-hapon ng kanyang buhay ang isang senior citizen at anim pang iba matapos masakote sa isang drug-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Brgy. Bayan Luma 3, Imus, Cavite, kahapon ng madaling araw. Sa ulat, arestado ang mga suspek na sina Isagani Butingan, 60-anyos; Reynaldo Mendoza, 47; Liberty Mendoza, 30; Winchell San Miguel, 33; James Ryan Tinawin, 35; Maria Jizelle Figueroa, 33; at Rommil De Silos, 46.

Dakong alas-4:30 ng madaling araw nang isagawa ang operation kung saan mismong sa bahay ni Butingan na kasama ang anim pang kliyente umano nito, ay nakabili ang poseur buyer na pulis ng P500 halaga ng shabu. Matapos magkaabutan ng item ay dito na agad dinakma ng mga pulis ang mga suspek. Nakumpiska mula sa mga ito ang 12 plastic sachet ng shabu, P500 marked money, at drug pharaphernalias.

vuukle comment

DRUG-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with