^

Probinsiya

2 gumahasa’t pumatay sa coed sa Cavite arestado

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 gumahasa�t pumatay sa coed sa Cavite arestado
Humihimas na sa rehas na bakal ang dalawang suspek na sina Jonard ­Panesa alyas ‘Toto’ at Jonathan Otazo, kapwa nasa hustong gulang at mga construction workers na naninirahan sa Hills View Royale Subd., Brgy. Timalan Balsahan.

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang dalawang pa­ngunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 20-anyos na college student makaraang masakote sa isang buy-bust operation ng mga otoridad, kamakalawa sa Brgy. Balsahan, Naic, Cavite.

Humihimas na sa rehas na bakal ang dalawang suspek na sina Jonard ­Panesa alyas ‘Toto’ at Jonathan Otazo, kapwa nasa hustong gulang at mga construction workers na naninirahan sa Hills View Royale Subd., Brgy. Timalan Balsahan.

Ayon sa pulisya, isa si Panesa sa 12 ‘person of interest’ sa Rape with Homicide case na nangyari nitong September 26, 2018 kung saan ang biktima ay si Mitchie Arana, estudyante ng Cavite State University sa  Rosario, Cavite campus.

Natagpuan itong walang buhay at walang damit sa isang sapa sa Brgy. Timalan, Balsahan, matapos nitong hindi umuwi ng dalawang araw

Inamin naman ni Panesa na isa siya sa gumahasa at tumulong sa pagpatay sa biktima at itinuro nito ang kasamang si Jonathan na siyang sumakal sa biktima hanggang sa mamatay gamit pa ang shorts ng biktima.

Nabatid na kilala rin sina Panesa at Otazo bilang mga adik at tulak din ng iligal na droga.

vuukle comment

COED RAPIST ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with