^

Probinsiya

Tricycle sinuwag ng bus: 6 patay!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Tricycle sinuwag ng bus: 6 patay!
Sa report ni Digos City Police P/Chief Supt. Deozar Almasa, nangyari ang malagim na sakuna sa kahabaan ng junction ng Cotabato-Davao at General Santos–Davao highway dakong alas-6:20 ng umaga.

MANILA, Philippines — Anim kataong miyem­bro ng isang pamilya ang nasawi kabilang ang tatlong bata makaraang suwagin ng isang pampasaherong bus ang kasalubong nitong tricycle sa national highway ng Digos City, Davao del Sur nitong Miyerkules.

 Sa report ni Digos City Police P/Chief Supt. Deozar Almasa, nangyari ang malagim na sakuna sa kahabaan ng junction ng Cotabato-Davao at General Santos–Davao highway dakong alas-6:20 ng umaga.

Ayon kay Almasa, ang mga nasawi ay pawang pasahero ng tricycle kabilang ang driver na si Joel Castro Jr., misis nitong si Honey Grace, 27; tatlong anak na sina Cyril, 7; Joana Clair, 4, at Pedo, 2-anyos at ama ni Honey Grace na si Floro Okbenaria, 50.

Sa ulat, patungo ang tricycle sa bayan ng Sta. Cruz nang salpukin ng Mindanao Star bus na minamaneho naman ni Fermin Macalos. Sa lakas ng pagkakabangga, dead-on-the-spot ang limang biktima kabilang ang tatlong bata habang ang isa ay binawian ng buhay sa pagamutan.

Galing ang pampasaherong bus sa Davao City at papasok na sa satellite terminal sa Digos City na dumaan sa Davao-General Santos highway nang mabangga nito ang tricyle ng mga biktima.

Hawak na ng Digos Police ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in 6 counts of homicide.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with