^

Probinsiya

Road rage: Suspek na may plakang ‘8’ arestado

Joy Cantos, Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Road rage: Suspek na  may plakang �8� arestado
Lumabas sa ulat na ang sasakyang FJ Cruiser ay pagmamay-ari ni Cong. Jonjon Lazatin ng 1st District ng Pampanga ngunit mariing itinanggi ito ng kanyang kampo.

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga  , Philippines  —  Arestado ang isang lalaki na suspek sa road rage na nag-viral sa social media matapos na makunan sa video nang  pagsusuntukin nito ang isang driver at may plakang “8” ang kanyang sasakyan na ginagamit ng mga kongresista sa Brgy. Balibago, Angeles City noong Martes ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Chief Supt. Amador Corpus Police, regional director ng Police Regional Office 3, kinilala ang suspek na si Jojo Valerio, 30-anyos, ng Block 7, Morristown Street, North Delton Communities, Quezon City. Siya ay dinakip nang maaktuhan sa isang bar sa Tarlac City ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at PRO 3 dahil sa paggugulpi sa biktimang si Jesusito Palma, 26, binata, residente ng Friendship Hi-way, Brgy Anunas, Angeles City.

Sinasabing miyembro umano ng banda si Valerio na nagpe-perform sa nasabing bar. Natunton siya matapos makakuha ng testigo na nagkumpirma sa pagkakakilanlan nito sa tulong ng nasabing video na nag-viral sa Facebook kamakalawa.

Sa video, makikita si Valerio na sinusuntok ang driver ng isang kotse at sa harapan ng SUV na minamaneho nito ay may makikitang plakang numero 8.

Lumabas sa ulat na ang sasakyang FJ Cruiser ay pagmamay-ari ni Cong. Jonjon Lazatin ng 1st District ng Pampanga ngunit mariing itinanggi ito ng kanyang kampo.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with