^

Probinsiya

2 todas, 6 huli sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 todas, 6 huli sa drug ops
Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga suspek na si Roberto Macatangay alyas Bobet, nakatala bilang ika-3 sa Badac watchlist at residente ng Brgy. San Rafael II sa San Jose Del Monte City at Joseph Eralph Martin, 22, binata, ika-3 sa listahan ng Lambat Sibat ng PNP at residente ng Brgy. Longos, Malolos City. Nakakulong naman ang anim na suspek na sina Wilma Salulog, George Michael Arcega, Earl Joseph Renyosa, Wilfredo Rabi Jr., Mark Bautista, at isang alyas JR, 16-anyos.

BULACAN  , Philippines  —  Dalawang sinasabing notoryus na tulak ng shabu ang nasawi sa magkahiwalay na drug operations ng pulisya sa San Jose Del Monte City at Paombong habang anim na iba pa ang naaresto sa lalawigang ito kamakalawa.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga suspek na si Roberto Macatangay alyas Bobet, nakatala bilang ika-3 sa Badac watchlist at residente ng Brgy. San Rafael II sa San Jose Del Monte City at Joseph Eralph Martin, 22, binata, ika-3 sa listahan ng Lambat Sibat ng PNP at residente ng Brgy. Longos, Malolos City. Nakakulong naman ang anim na suspek na sina Wilma Salulog, George Michael Arcega, Earl Joseph Renyosa, Wilfredo Rabi Jr., Mark Bautista, at isang alyas JR, 16-anyos.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay nakipag-deal ang poseur buyer na pulis kay alyas Bobet sa Brgy. San Rafael II at bumili ng shabu. Nang matapos ang kanilang transaksyon, dito na sinubukang arestuhin ang suspek pero biglang bumunot ng armas. Gayunman, naunahan na siyang paputukan ng iba pang pulis na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Nasawi rin si alyas Joseph nang umano’y kumasa sa mga kagawad ng Provincial Intelligence Branch kung saan naganap ang bentahan ng marijuana sa Brgy. Sto. Niño, Paombong.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with